bininyagan ako kasama mga ninong at ninang ko |
Masaya dahil nadagdagan na naman ang anghel sa buhay nila tuwang tuwa ang tatay ko dahil lalaki ako, kasi gusto niya ng anak na lalaki. Pero hindi lang nanay at tatay ko ang masaya patibuong barangay pati niinang,ninong, na hindo ko kayang sabihin ang mga pangalan dahil madalas hindi mag pakita pag pasko..hehe joke lang nong at nang pati sina tiya, tiyo, pinsan, lolo, lola,at iba pa. Pero sa kasamaang palad d ako nabigyan nang panahon na makilala ang lolo at lola ko sa panig ng tatay ko dahil pumanaw sila bago ako ipanganak. Pero masaya na din ako kasi nakikita ko ang ugali nila sa king butihing ama na walang tigil sa pag tuturo ng mga praktikal na bagay na gagamitin ko sa darating pang buhay..
1st birthday ko kasama mommy ko |
Taong 1995 hulyo 15 ginanap ang una kong kaarawan madaming dumalo kasi maraming handa eh. Andiyan si tita Marisa, tito Audie, tita Jona, tito Dante, tita, Leth at kung sinu sinu pa na tumulong para maging maayos ang aking unang kaarawan. Dami kong handa magaan pa daw kasi noon ang buhay sabi ni tatay kaya nakapag handa siya ng marami. Sagot ni tita Marisa ang mga lobo at cake naman kay tita Jona. Sabi ni nanay ang saya saya daw nung kaarawan ko kasi laro daw ako ng laro tapos tawa ng tawa hindi ko pa naman alam yun kasi isang taon pa lng ako.
At dumating ang pangalawang kaarawan marami ding handa ngunit hindi na gaya nang dati. Pangatlong kaarawan na kung saan umuwi ang tita ko galing abroad at binigyan ako ng regalo na isang malaking toy truck na sa sobrang laki ay kaya kong sumakay dito. Isa iyon sa mga laruang hanggang ngayun ay natitira pa. At dumating ang pang apat at panglimang kaarawan na gaya din ng sumusunod ang mga pangyayari.
Mga 2 years old na ako |
At ito na nga anim na taong gulang na ako medyo hindi ko na itinanung kay nanay ang mga nangyare dito kasi medyo may muwang na ang isip ko dito natatandaan ko naang mga bagay bagay. Natatandaan ko pa sa unang araw ng pag pasok ko bilang kinder sa San Anton Elem. School ay puro hagulgol at iyak ang akin ginagawa bakit? Kasi sa unang araw na yun lang ako naka labas at nakakita ng ganung ka daming bata at tao eh enrollment pa naman yun natatakot ako hindi ako na alis sa bewang ng ate Cristy ko kasi wala si nanay at tatay hindi sila ang nag sama sakin kaya siate Cristy ang kasama ko. Nang akoy pinapa pasok na sa room ay nag simula na ulit akong humagulgol habang sinasambit ang mga salitang " NANAY, TATAY ayokong pumasok ayoongpumasok" pa ulit ulit ko yang sinasabi at dahil sa inis ni ate Cristy ay pinalo niya ako at na paki usapan ako na umupu na sa upuan at dito lang siya sa labas. Kada segundo ay panay ang tingin ko sa labas habang nag papakilala ang iba kong mga ka eskwela at meron nakapag baling ng tingin ko nang pumunta sa unahan si Yana Espeleta na para bang gusto kong makipag kaibigan sa kanya.
Nguinit tuloy pa rin ako sa pag tingin sa labas at nang ako na ang tinawag na pumunta sa unahan para mag pa kilala ay hindi ako tumatayo at umub-ub na lamang dahil nahihiya ako at sinabi na lang ng guro ko na si Mam Baredo na " Ivan tutoy nahihiya ka ba sige bukax ka na lang mag pakilala ha bukas dapat hindi ka na nahihiya". At natapos ang araw na yun na puno ng luha ang akin mga mata hahah..bata pa lang ang drama ko na ano?. At pag uwi namin sa bahay ay dinatnan ko ang akin ama na nag hihintay sa akin upang malaman ang mga nangyari sa unang araw ko sa eskwela. Dahil sa pagod ko ay hindi ako nakipag usap sa tatay ko at tumulog na lang ako. Kinabukasan hinatid ako ni nanay sa school medyo kinakabahan pa rin pero medyo kaya ko nah at bantay parin ako ni nanay sa labas. Dahil sa sinabi ng guro ko na mag papakilala ako ngayun ay pumunta ako sa unahan at nag pakilala medyo na bubulol pero nagawa kong mag pakilala ganito pa nga ang pag kaka sabi ko sa unahan eh " my name is Ivan Noche Alvaran" ganyang kasi turo sakin ng nanay ko eh. At sa pag papa tuloy sa pag aaral ko ay natutunan kong mag bilang hanggang 54 sa tulong nang aking magaling na guro. Gumraduate ako ng kinder bilang 2nd honor tuwang tuwa ang aking magulang at kamag anak dahil isa ako sa pamilya namin na medyo magaling sa eskwela.
graduation ko ng kinder |
Nag grade 1 ako dito medyo hindi na ako nahihiya kaso nga lang takot na takot ako kasi sabi nang pinsan ko ay mataray ang magiging titser ko siya si Mam Flores. Sa unang araw ay nakita ko na mali ang sabi sakin nang akin pinsan dahil napaka bait nito at may malasakit sa mga estudyante nito. Tuwing tanghali ay ginugugol namin ang isang oras para mag rosary.Ako laging ang leader pag rorosary dahil madali ko itong natutunan pero minsan inaantok ako sa pag rorosary at kinagalitan ako ni mam sa sobrang takot ko ay nag iba ang tingin ko sa kanya .
Pero nang nag laon ay pinaliwanag niya sa akin na pag nagagalit ang isang guro o magulang sa iyo ay ibig sabihin noon mahal ka niya. Pag uwi ko nang bahay ay tinanung ko sa nanay ko kung totoo ba iyun at sinabi niya na oo at napabiro pa nga ako kay nanay sabi ko " nay lagi kang magalit sakin ha" at tumawa ng tumawa si nanay sabi pa niya" Ivan hindi lang sa pag galit sayu maipapakita ko na mahal kita anak mahal kita maging sino ka pa at maging anu ka pa" hindi ko naman naintindihan masyado ibig sabihn nang sinabi niya.
Nag patuloy ang pag aaral ko marami akong natututunan hindi lang sa akademya ngunit pati sa mga bagay na ginagamit sa pang araw araw na buhay. Nang tumungtong ako sa 5 baitang nakilala ko si Kim anak ng guro ko sa unang baitang siya ang first love ko lagi ko siyang pinag mamasdan tuwing siyay naandiyan ang maganda niyang ngiti kahit siyay bungi at maputing niyang balat at mahabang buhok. Tuwing awasan ay tinatabihan ko siya pero sinasabunutan niya ako at napaka sakit nun ha pero ayus lang basta nakaka tabi ko siya. Isang araw handa na ako dahil alam kong sasabunutan niya ako ngunit hindi niya ginawa at sa halip ay binigay niya sa akin ang ini inum niyang slurpee sobrang saya ko nun pero kaya pala niya ibinigay sakin ay dahil tunaw na ang yelo at wala nang lasa pero ayus pa din kasi naging masaya ako nun. Sa pag lalakbay nang aking buhay nakaranas ako ng mga problema , problemang sa mura kong edad ay nagawa kong lampasan sa tulong nang aking mga magulang. Isa sa mga dagok ko sa buhay ay noong magkaroon ako nang sakit at kailangan akong operahan sa ulo dahil nag karoon ako ng bukol at lumala ito nang lumala. Inoperahan ako sa City Hospital laking alala nang aking magulang at iba pang kapamilya pero dahil sa tulong nang Diyos naging maayos ang lahay yun nga lang nagkaroon ako nang makaling peklat sa ulo ko ang laki mga 1 inch haha.
Habang lumalaki ako ay napapansin kong nagiging sakitin ako madalas akong ma confine sa ospital dahil sa pagkakaroon ng matinding lagnat pa ulit ulit itong nangyayari buti na lang nagaling pa rin ako. Pag akyat ko nang grade 6 nag bago ang lahat naging popular ako sa eskwela maraming mga babae ang nag kaka gusto sa akin eewan ko kung bakit hindi naman ako gwapo haha. Dito nag ka girlfriend ako sa murang edad kong ito siya si Kristel maganda , maputi , yung nga lang hindi masyado matalino pero ang itinagal lang nang relasyon namin ay isang linggo dahil syempre bata pa kami wala pang alam sa mga ganung bagay.
Nag graduate ako ng elementarya na may medal at may baong mga kaalamang itatago ko hanggang akoy tumanda.
Habang ako ay nag babakasyon sa Cavite ay iniisip ko kung anung magiging buhay ka sa high school iniisip ko kung magiging masaya ba o mas masaya ang pagiging elementarya. Nag simula akong pumasok nang Col. Lauro D. Dizon Mem. NAtl. High School taong 2006-2007 nakilala ko ang mga bagong magiging parte ng isang buong apat na taon ng buhay ko maraming masasayang nangyari . Naging crush ko dito ay si Piwie lagi ko siyang tinitingnan kasi natutuwa ako sa kanya kasi ang cute niya. Nung first year ako wala akong ka grupo yun bang wala pa akong kasabay umuwi yung wala pa ako ka tropa .Pero maka lipas ang ilang buwan napalipat samin ang isang estudyanteng si Norlan galing sa section A dahil magaling ito sa matematika at siya ang naging best buddy ko noon. Marami kaming masasayang araw ni Norlan kasi mag ka ugali kami .Isa pa sa mga ka tuwaan ko dito ay si Ladilyn madalas kaming mag habulas sa room dahil lagi ko siyang niloloko. Marami kaming sinalihang mga paligsahan isa na dito ang nutri jingle kung saan tumanggap kami ng 3rd place. Isa pa dito ang ibong adarna kung saan nakuha namin ang halos lahat nang award at kasali ako dun bilang bes LOBO ang galing ko diyan .
Pag dating nang 2nd year medyo nag iba ihip nang hangin naging ka tropa ni Norlan sina Miko at Edward at ako naman ay si Arjay at Shidrex. Dito nakilala namin ang aming bagong adviser na si Mrs. San Pedro single siya ha wala pang asawa. Marami din nangyari sa taung ito isa sa mga love team dito ay si edward at ladilyn ka love triangle pa si arjay. Dito wala akong panahon para ma in love kasi focus ako sa pag aaral. Mron pa nga kaming by group na team sa science nabibilang ako sa skyblue team na kung saan ka grupo ko si thea ang dating first honor kaya madalas kami ang manalo sa mga contest. At nabigyan kami nang pa premyo ni mam 50 pesos with shower gel hehehe. Naging maganda ang mga happenings sa taong iyun nanalo kami sa Florante at Laura galing namin di ba? dito marami akong natutunan kay mam Bondad na madalas mag kwento nang kanyang buhay.
Sa pag dating ko nang 3rd year medyo hindi maganda kasi marami kaming mga problemang mga kinaharap dito maraming nagalit samin dahil hindi naging maganda ang mga kinilos namin at alam ko yun sa sarili ko kaya hindi na ako mag kekwento ng mga nangyari dito.....
Sa pag pasok ko sa 4th year yes ga graduate nah ay na in love ako sa isang estudyante ng 2nd year section A siya si Risa Fraulein Villapando nag turingan kaming mag bestfriend ngunit di niya al\am na may gusto ako sa kanya ipagpapatuloy ko ang kwento ko sa kanya maya mya. Dito ayus ang lahat masaya ako at titser ko ulit si mam Montana na paborito kong guro dahil madali akong natututo sa kanya. Dahil mature na kami ngayun kami sa sarili namin ay natutunang mag mahal meron diyan nag ka bf nag ka gf hindi ko na lang sasabihin kung sinu baka magalit eh haha. pero pinag darasal ko na sana kami kami pa rin ang mag kakaibigan hanggang sa huli ilang taon man ang lumipas kayu pa run 4-science ang pinakamamahal ko.!!